Isasagawa ang offsite registration mula Pebrero 3 hanggang 5, 2026 bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.
Bukod sa bagong pagpaparehistro, maaari ring magproseso ng transfer of registration, reactivation ng voter’s record, at pagwawasto ng mga detalye sa talaan ng botante.
Sa Pebrero 3, gaganapin ang offsite registration sa Maasin Barangay Hall; sa Pebrero 4, sa Osiem Barangay Hall; at sa Pebrero 5, sa Tebag Barangay Hall.
Hinikayat ng COMELEC ang mga residente na samantalahin ang nasabing aktibidad at dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang transaksyon.
Sa pamamagitan ng offsite registration, inaasahang mas marami pang residente ang makakapag parehistro at makikilahok sa darating na halalan.







