COMELEC, may mga ikakasang aktibidad para sa 2022 presidential and local elections

Maglulunsad ang Commission on Election (COMELEC) ng ilang aktibidad para sa 2022 presidential and local elections.

Ayon sa COMELEC, kabilang sa kanilang aktibidad ang online events, kasama na ang voters education at konsultasyon hinggil sa gagamiting proseso ng halalan at ang posibilidad na magkaroon ng expanded absentee voting system.

Anila, layon nitong palakasin ang public awareness at public interest para sa paparating na eleksyon.


Sa ngayon, mahigit 3-million na bagong voter registrants ang inaprubahan na ng poll body habang mahigit 200,000 pang aplikasyon ang kanilang sinusuri.

Magtatapos naman ang pagpapatala ng mga bagong botante hanggang Setyembre 30, 2021.

Facebook Comments