Mga tumatawag sa mental health crisis hotline ng National Center for Mental Health, tumaas – DOH

33

Tumaas ang natanggap na tawag ng mental health crisis hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) nitong Abril matapos tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatatanggap ang NCMH ng average na 60 tawag kada araw kung saan umabot ito sa 1,805 na tawag sa kabuuan.


Ito ay mas mataas sa naitalang tawag ng NCMH noong Enero na nasa 1,089.

Paliwanag ni Vergeire, 31% ng tawag noong Abril ay mula sa sa mga indibidwal na nakaranas ng anxiety o depressive symptoms, habang ang 22% ang humingi ng tulong para sila ay mai-refer sa psychiatrist o psychologist.

Maaari namang tumawag ang nakararanas ng mental health problem sa NCMH Crisis Hotline sa numerong 0917 899 8727 (USAP) at 989 8727 (USAP).

Facebook Comments