Baguio, Philippines – Habang nasa skeletal operation ang mga kawani ng Commission on Election, isinasaayos at inihahanda na din ng ang kanilang opisina para sa pagpapatuloy ng voter’s registration sa lungsod.
Asahan naman ang istriktong pagimplimenta ng social/physical distancing at pagsuot ng facemask.
Kasalukuyan naman nilang sinusunod ang 50% office worker, 50% work from home, pinag aaralan na ang posibilidad na pagkakaroon ng Full Force Operation nationwide, ayon kay Benguet Election Supervisor Julia Elenita Capuyan.
Pinag-aaralan din ng COMELEC ang ilang pagbabago sa registration sa pamamagitan ng appointment system na kapareho ng sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Ang deadline pa din ng voter’s registration ay sa Septyembre 30 sa susunod na taon.