COMELEC, may paraan sakaling hindi maisabatas ang Early Voting Bill para sa ilang sektor

Nakaisip na ng mga pamamaraan ang Commission on Elections (COMELEC) sakaling hindi maisabatas ang Early Voting Bill para sa mga senior citizen, persons with disabilities, human resources for health at mga abogado.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na handang gawin ng COMELEC ang planong early voting hours.

Ibig sabihin bubuksan ang botohan nang mas maaga kaysa sa regular na voting hours.


Halimbawa aniya nito ay buksan ang botohan ng ala-singko ng umaga hanggang ala-7:00 ng umaga pero para lamang muna sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD) at buntis.

Layunin aniya nito na gawing prayoridad sa pagboto ang nasabing mga sektor para hindi na sila kailangan pang pumila.

Kasabay nito ay ang paglalagay ng emergency accessible polling place para sa mga nakatatanda at buntis.

Ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay nakatakda sa October 30 ngayong taon.

Facebook Comments