Huling batch ng Pinoy repatriates mula Sudan, aalis na bukas ng Egypt

Paalis na bukas ng Cairo, Egypt ang huling batch ng mga Pilipinong lumikas mula Sudan.

Bukas ng gabi inaasahang dadating sa bansa ang huling grupo ng repatriates.

Sila ay bahagi ng mga Pinoy na nabigyan ng temporary entry sa Egypt.


Pinakahuli namang dumating sa bansa ang 77 Overseas Filipinos mula Sudan na dumating sa bansa kahapon.

Nanindigan naman ang 24 na Pinoy sa kanilang desisyon na manatili sa Sudan dahil malayo naman daw sila sa lugar ng kaguluhan.

Facebook Comments