Muling naglabas ng tentative list ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga kandidato para sa May 9 elections.
Batay sa updated list ng COMELEC, nitong January 4, nabawasan ang ilang pangalan sa listahan ng mga kandidato para sa pagka-presidente at senador.
Mula sa 15 ay 11 na lang ang mga kandidato sa pagkapangulo.
Ito ay sina Ernie Abella, Gerald Arcega, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Faisal Mangondato, Bongbong Marcos, Jose Montemayor Jr., Manny “Pacman” Pacquiao at Leni Robredo.
Nanatili namang siyam ang pangalan ng mga kandidato para sa pagkabise-presidente na nakasama sa listahan ng COMELEC.
Ito ay sina Lito Atienza, Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte, Manny Lopez, Doc Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio, at Vicente “Tito” Sotto.
Sa listahan naman ng mga kandidato sa pagkasenador, mula sa dating 70 pangalan ay 64 na lamang ito ngayon.