15 miyembro ng PSG, positibo sa COVID-19

57

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Commander Col. Randolf Cabangbang na 15 tauhan nila ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Cabangbang, ang mga ito ay asymptomatic naman at kasalukyang naka-quarantine.

Sinabi pa nito na fully vaccinated ang mga tauhan nilang nahawaan ng COVID-19.


Samantala, tiniyak pa ni Cabangbang na walang exposure ang 15 PSG members kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Cabangbang, galing kasi ang mga ito sa bakasyon kaya baka doon nakuha ang virus.

Facebook Comments