Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng COMELEC ang mga pulitiko na tanggalin na ang mga nagkalat nilang campaign materials, ilang araw bago ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya sa Pebrero 12.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – maging ang kanilang mga supporters ay kailangang sumunod sa panukala para hindi sila maireklamo ng election offense at hindi ito makaapekto sa pagtakbo ng mga kandidato.
Paliwanag ni Jimenes, maituturing nang iligal ang mga campaign materials na nagkalat pagkatapos ng pagsisimula ng campaign period sa national level.
Sinulatan na ng COMELEC ang mga kandidato at mga political party ukol dito.
<www.bomboradyo.com/10-5-m-lolo-lola-makikinabang-sa-bubuuing-national-senior-citizens-commission-solon/>
Hindi na umano inaasahan ng poll body na sasagot ang mga ito sa ipinadala nilang sulat pero inaasahan nilang tatalima ang mga ito sa kanilang direktiba.