COMELEC, nag-imprenta na ng halos 900,000 na balota para sa plebisito sa Calaca, Batangas at Maguindanao

Nagsimula nang mag-imprenta ang Commission on Elections (COMELEC) ng mahigit 870,000 na balota at iba pang-accountable forms para sa idadaos na dalawang plebisito sa Setyembre.

Partikular ang idadaos na plebisito kaugnay ng pag-convert bilang lungsod sa Calaca, Batangas.

Gayundin ang paghahati sa Maguindanao bilang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Ang naturang mga plebisito ay idadaos sa pamamagitan ng manual election system at hindi automated election.

Facebook Comments