Mga dayuhang turista na papasok sa Pilipinas, ligtas na makakalakbay sa bansa sa kabila ng paglalagay sa Level 3 COVID-19 category

146

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na ligtas na makakalakbay ang mga turista sa tourism destinations sa Pilipinas.

Tiniyak ito ng DOT kasunod ng pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng US Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa Level 3 category ng COVID-19.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na may precautionary measures din na ipinapatupad ang pampubliko at pribadong sektor.


Hindi aniya dapat na makaka-apekto ang banta ng virus sa pamumuhay at travel plans ng local at foreign tourists.

Facebook Comments