COMELEC, nagbabala sa may mga balak manggulo sa Barangay at SK Elections

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nagbabalak maghasik ng lagim sa darating na Barangay at SK Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hindi papayag ang COMELEC na sindakin ng sinoman ang mga botante.

Aniya, gagawin ng poll body ang kapangyarihan nito para mahadlangan ang mga karahasan sa darating na Barangay at SK Elections.


Ang babala ng COMELEC ay sa harap na rin mga nangyayaring patayan sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments