Thursday, November 26, 2026

COMELEC budget, mabilis na inaprubahan sa plenaryo ng Senado

Mabilis na nakalusot sa plenaryo ng Senado ang P29.163 billion na 2027 budget ng Commission on Elections (COMELEC).

Si Senator Ping Lacson ang budget sponsor para sa Comelec kung saan sinabi niya na tumaas sa P2 million ang capital outlay ng ahensya, mas mataas sa bersyon ng Kamara na nasa P29.161 billion.

Paliwanag ni Lacson, ang dagdag na P1 million na alokasyon ay para sa pagtatayo ng Comelec integrated field office buidings habang ang isa pang P1 million ay para sa dagdag na pondo para sa konstruksyon ng New Comelec building.

Wala namang senador ang nag-interpellate sa budget ng Comelec dahilan kaya ito agad lumusot sa plenaryo at sunod na sasailalim na sa period of amendments.

Samantala, nauna na ring kinatigan sa plenaryo ng Senado ang P8.262 billion budget ng Office of the Ombudsman.

Pinalinaw lamang ni Senator Imee Marcos kay Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, budget sponsor ng Ombudsman, ang tungkol sa termino, benefits at retirement ng mga opisyal ng ahensya.

Dagdag pa sa lusot na sa budget deliberations sa plenaryo ang DOJ, DSWD at DND.

Facebook Comments