COMELEC, naglaan ng P660 million para sa pagsasa-ayos ng vote counting machines

Aabot sa ₱660 million ang inilaan ng Commission on Election (COMELEC) para sa pagsasa-ayos o refurbishment ng vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa May 2022 national at local polls.

Sa kanilang invitation to Bid, sinabi ng COMELEC na ang nasabing halaga ay aprubadong budget para sa kontrata sa pagbabayad ng VCM refurbishment.

Sakop nito ang pagsasa-ayos ng 97,345 units ng VCMs, 109,745 na piraso ng SD Cards, 109,745 na piraso ng Back-Up SD Cards at 250,000 piraso ng cleaning sheets.


Nakatakda ang Pre-Bid Conference ng poll body sa November 25 at Opening of Bids sa December 9.

Ang bidding ay bukas sa lahat ng interesadong bidders, mapa-lokal man o foreign, alinsunod sa mga kondisyon ng Government Procurement Reform Act.

Una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na gagamitin muli ang mga lumang VCMs ng Smartmatic sa May 2022 elections.

Facebook Comments