Naglabas na ng guidelines ang Commission on Elections para sa mga nais tumakbo sa eleksyon 2022.
Sa ilalim ng Comelec resolution 10717, kailangan nang magprisinta ang mga tatakbong kandidato sa pagkapresidente, bise-presidente, senador at kongresista ng negatibong RT-PCR test o Antigen COVID-19 test result.
Ito ay 24 oras bago maghain ng Certificate of Candidacy.
Maliban dito ay ipinag-utos din ng Comelec na magsumite ng kaparehong dokumento ang mga kasama ng kandidato, kawani ng comelec na tatanggap ng COC.
Lilimitahan naman ang bilang ng kasama ng kandidato base sa posisyong tatakbuhan.
Magsisimula ang paghain ng COC sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.
Facebook Comments