Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng mga panuntunan sa paggamit ng digital platform.
Batay sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Fair Election Act, obligado na ang mga politiko na tatakbo sa 2022 election na iparehistro sa Comelec ang kanilang mga social media pages, blogs at pages.
Kailangan ding iparehistro ng mga kakandidato ang iba pang platform tulad ng mobile application sa Education and Information Department ng Comelec.
Ayon sa Comelec, kailangang maisagawa ang pagpaparehistro 30 araw mula sa huling araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 election.
Anila, ang naturang mga page, blog at website lamang ang dapat gamitin ng politiko sa kanilang social media advertisement.
Maliban dito, dapat ding iulat ang detalye ng mga kasunduan at mga political advertisement gamit ang mga inupahang digital influencers at online content creators.