Inilabas ng Commission on Election (COMELEC) ang listahan ng mga ipagbabawal sa campaign period para sa 2022 election bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic.
Batay sa COMELEC Resolution 10372, ipagbabawal pa rin ang pakikipagkamay, beso-beso, pagyakap at anumang uri ng physical contact sa mga kandidato sa panahon ng kampanya.
Ipinagbabawal din ang pagkuha ng selfie o picture ng publiko na maaring magdulot na malapitang contact sa mga kandidato gayundin ang pamimigay ng pagkain, inumin o anumang bagay.
Hindi maaari ang pagsasagawa ng mga house-to-house campaigning kahit pumapayag ang may-ari ng bahay.
Mahigpit ding ipagbabawal ang pagsiksikan na lalabag sa minimum public health standards sa paligid ng kandidato at ng kanyang mga kasama.
Magsisimula ang campaign period sa national level sa Pebrero 8 at local level sa March 25 hanggang sa Mayo 7, 2022.