DOH, inanunsyo ang 50 nanalo sa Bakunado Panalo raffle

185

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng 50 indibidwal na nanalo sa Bakunado Panalo raffle nitong Oktubre.

Ayon sa DOH, tatanggap ng tig-P5,000 ang mga nanalo matapos magkakumpleto ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Anila, ang mga nanalo ay kanilang tatawagan para makuha ang kanilang premyo.


Ang Bakunado Panalo raffle ay inilunsad ng DOH sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa Philippine Disaster Resilience Foundation na layong hikayatin ang lahat na magpabakuna.

Sabi pa ng DOH, ang mga kasali sa raffle ay mayroon pang tyansang manalo ng P1 million sa grand prize.

Nakatakda namang ilabas ng kagawaran sa December ang listahan ng mga nanalo para sa buwan ng November dahil patuloy pa itong dumadaan sa beripikasyon.



Facebook Comments