Manila, Philippines – Nagpa-alala si COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez na magtatapos na ang ibinigay nilang tatlong araw na grace period sa lahat ng kandidato sa national positions para baklasin ang kanilang mga posters at tarpaulin na hindi naayon sa itinatakda ng COMELEC.
Ayon kay Jimenez, mayroon nalang hanggang bukas ang mga kandidato para baklasin ang mga illegal campaign posters na ikinabit sa mga hindi designated common poster areas gayundin ang mga hindi naayon sa tamang sukat.
Sinabi ni Jimenez na sa Biyernes, February 15, mayroon silang mga team na lalakad para-idokumento ang lahat ng mga makikita nitong campaign posters na lumalabag sa Omnibus election code.
Posible aniyang makasuhan ang sinomang kandidato na mapatutunayang may paglabag sa tamang paggamit ng campaign materials.