Comelec, nagpaalala na hanggang ngayong Miyerkules Santo na lang ang pangangampanya

Nagpaalala ang Comelec sa lahat ng mga kandidato na hanggang ngayong Miyerkules Santo na lamang ang pangangampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bukas Huwebes Santo at sa Biyernes Santo ay ipinagbabawal ang pangangampanya.

Partikular aniyang ipinagbabawal ang caravan, motorcade, rally, walk-around, public speeches at pamimigay ng polyetos.


Hinimok naman ng Comelec ang publiko na i-report sa poll body ang mga kandidatong lalabag sa nasabing kautusan.

Facebook Comments