Comelec, nagpaalala na tuloy ang voters registration ngayong araw

Nagpa-alala ang Comelec sa publiko na tuloy ang voter registration ngayong araw ng holiday.

Ayon sa Comelec, bukas ang Comelec offices sa buong bansa hindi lamang ngayong araw, August 12, 2019 na isang regular holiday dahil sa Eid al-Adha.

Maging sa August 21, 2019 anila na isang special non-working holiday dahil sa Ninoy Aquino Day at sa August 26, 2019 na isang regular holiday dahil sa National Heroes Day ay maaaring magpatala ang mga botante.


Sinabi ng Komisyon na maaaring samantalahin ng mga estudyante at empleyado ang tatlong holidays ngayong buwan para makapagpatala.

Nitong August 1, 2019 nagsimula ang voter registration at tatagal ito hanggang September 30, 2019.

Maaaring magpa-rehistro mula Lunes hanggang Sabado at sa holidays, maliban na lamang sa araw ng Linggo.

Facebook Comments