DepEd, nakiisa sa selebrasyon ng International Youth Day ngayong araw

72

Nakiisa na rin ang Departmanent of Education sa isinagawang selebrasyon ng National Youth Commission sa pagbibigay halaga ng International Youth Day ngayong araw.

Layon ng naturang tema na “Transforming Education,” ay upang lalong paigtingin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa kung saan gaganapin sa  BBAC Covered Court, West Zamora, Pandacan, Manila na lalahukan naman ng Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at Non-government organizations gaya ng Teach for the Philippines at  YOUTeacH Philippines.


Inaasahang magbibigay rin ng mensahe mula sa UN Envoy on Youth, Her Excellency Jayathma Wickramanayake kung saan ang sentro ng okasyon ay ang pagsisinaya ng Philippine Youth Development Plan (2017-2022).

Naniniwala ang DepEd na sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ay lalong tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments

From Advertisers