Comelec, nagpaalala sa mga kandidato kaugnay ng campaign rules

96

Manila, Philippines – Bagaman at hindi pa nagsisimula ang campaign period, maagang nagpaalala ang Comelec sa mga panununtunan sa pangangampanya.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang sa kanilang mahigpit na babantayan sa pagsisimula ng campaign period ang vote buying.

Aniya, base sa election laws and regulations, maaari nang bantayan ng poll body ang mga galaw ng mga kandidato sa sandaling magsimila na ang campaign period.


February 12, 2019 hanggang May 11, 2019 ang Campaign period para sa senatoriables at party-list groups.

March 30, 2019 hanggang May 11, 2019 naman ang Campaign period para sa mga tumatakbong kongresista at iba lang local candidates.

Facebook Comments