Comelec, nagpaalala sa nat’l candidates sa pagsisimula bukas ng campaign period

67

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Comelec sa mga kandidato sa national positions kaugnay ng pagsisimula ng campaign period bukas, 12 February 2019.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat sundin ng Senatorial candidates at party-list groups ang mga panuntunan sa pangangampanya.

Partikular aniya ang Comelec rules sa campaign materials o advertisement.

Dapat aniya ang sukat ng poster o tarpaulin ay two feet by three feet at dapat ay nakalagay ito sa common poster area.

Sinabi ni Jimenez na mahaharap sa kaukulang parusa ang mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan ng poll body.

Facebook Comments