Tricycle Driver na Wanted sa Batas, Arestado sa Tumauini, Isabela!

66

*Tumauini, Isabela- * Arestado ang isang tsuper na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. San Mateo, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Dominador Llanes alyas Inggu, 32 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. District 2, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, Inaresto ng mga otoridad si Llanes sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Ramon, Corazon ng MCTC Tumauini, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.

Dinala na sa himpilan ng PNP Tumauini ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurn-over sa court of origin nito at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P36,000.00.

Facebook Comments