Naglabas na ng summons ang Commission on Elections o COMELEC para pasagutin si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kaugnay ito ng petition for cancellation na inihain noong isang linggo ng mga miyembro ng civil groups na humihiling na kanselahin ng COMELEC ang kaniyang Certificate of Candidacy o COC dahil sa isyu ng tax evasion.
Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na kapag natanggap na ng kampo ni Marcos ang nasabing summons, mayroon siyang limang araw para magsumite ng kaniyang sagot.
Nitong Lunes, na-i-raffle ang petition laban kay Marcos at napunta ito sa 2nd Division.
Facebook Comments