COMELEC, nagpalabas ng panuntunan sa party-list election sa susunod na taon

Photo Courtesy: COMELEC Facebook Page

Isinapinal na ng Commission on Elections (COMELEC) ang petsa ng deadline para sa paghahain ng mga petisyon kasabay ng pag-update sa Implementing Rules and Regulations para sa party-list elections sa May 9, 2022 National and Local Elections.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10690, ang deadline para sa filing ng Petitions for Registration and Manifestation of Intent to Participate sa pag-register sa party-list groups, organizations at coalitions ay sa March 31, 2021.

Susundin din ng dating party-list groups, organizations at coalitions ang deadline para mag-file ng kanilang mga Manifestation of Intent to Participate.


Ang Opposition to Petitions for Registration ay kailangan na ring maihain bago maging submitted for resolution ang kaso habang ang Petitions to Deny Due Course to a Manifestation of Intent to Participate ay kailangang maihain 10 araw mula nang ito ay mailathala.

Sa naturang period, kailangan ding maisagawa ang filing ng Certificates of Candidacy na nasa ilalim ng Calendar of Activities para sa halalan sa susunod na taon.

Sa ilalim ng Section 3 ng Resolution No. 10690, kailangan ay mayroong kumpletong listahan ng kahit limang nominees para sa party-list representatives at iba pang dokumento na isusumite sa parehong period.

Kung magkakaroon man ng substitution ng party-list nominees dahil sa withdrawal, ang deadline naman ay sa November 15, 2021.

Pero kapag namatay naman ang kandidato o dahil sa isyu ng incapacity, puwedeng isagawa ang substitution hanggang sa mid-day ng election day.

Facebook Comments