Nagpasalamat ang Comission on Elections o COMELEC sa sampung Embo barangays sa paggalang nito sa desisyon ng COMELEC na sa lungsod ng Taguig na sila maghain ng kanilang kandidatura para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong darating na Oktubre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, naging maayos ang takbo ng filing ng mga kumandidato at nagpasa ng kanilang COC sa Taguig City Convention Hall.
Dagdag pa ni Garcia, mayroon mang kaunting pababago sa kanilang city jurisdiction ay kaparehas pa rin ang proseso sa kanilang dating lungsod at umaasa pa rin umano siya na hanggang sa huling araw ay maayos ang pagpapasa ng kanilang mga COC.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng COMELEC sa mga nais magsilbi sa kani-kanilang barangay na lumaban nang patas at sumunod sa mga alituntunin ng batas.