Mga opisyal ng DepEd, nag-iikot ngayong araw sa ilang paaralan sa Taguig

Kasalukuyang nag-iikot ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) ngayong umaga sa 14 na paaralan sa lungsod ng Taguig.

Ito’y kaugnay pa rin ng muling pagbubukas ng klase ngayong araw.

Sa ngayon, umaabot pa lamang sa 22,676,964 ang mga enrollee para sa S.Y. 2023-2024 na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.


Ayon naman kay DepEd Spokesperson Michael Poa, mino-monitor pa rin nila ang mga paaralan dahil continuous pa rin ang takbo ng nadadagdag na bilang ng mga humahabol para mag-enroll.

Malalaman umano ang final count kung makuha na lahat ng ahensya ang buong report na aabot pa ng dalawang linggo.

Samantala, ayon pa sa ahensya na ang late enrollment ay makatutulong sa pagkakaroon ng final count ng enrollees ngayong school year.

Facebook Comments