COMELEC, nagsagawa na ng pagpupulong kaugnay ng pagpapalawig sa voter registration

Nagsagawa na ng management committee meeting ang Commission on Elections (COMELEC) kasama ang kanilang regional directors.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, tinalakay sa pulong ang pananaw ng kanilang field officials hinggil sa isinusulong na pagpapalawig sa voter registration.

Mismong si COMELEC Chairman Sheriff Abas at mga commissioner aniya ang nanguna sa pagpupulong.


Sa Miyerkules inaasahang maisusumite aniya sa en banc ang rekomendasyon ng management committee.

Tiniyak naman ng COMELEC na agad silang maglalabas ng anunsyo hinggil sa magiging development.

Facebook Comments