Senate Blue Ribbon Committee, nagpasaklolo na sa NBI para mahanap ang opisyal ng Pharmally na si Krizel Grace Mago

Humingi na ng tulong ang Senate Blue Ribbon Committee sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahanap si Pharmally Pharmaceutical Corporations Regulatory Affairs Head Krizel Grace Mago.

Sa liham na ipinadala ng komite kay NBI Officer-in-Charge Atty. Eric B. Distor ay nakasaad ang pag-aalala sa kaligtasan ni Mago.

Ayon kay Gordon, sa paghahanap ay humingi rin sila ng tulong sa mga madre ng St. Paul University Philippines sa Tuguegarao City na siyang alma mater ni Mago.


Binanggit ni Gordon na nahirapan na silang kontakin si Mago matapos nitong aminin sa pagdinig ang umano’y pag-repack ng Pharmally ng substandard, yupi-yupi at maruming face shields na inorder ng gobyerno at pinalitan din nila ng 2021 ang 2020 na production date nito.

Facebook Comments