Comelec, naka-monitor sa mga fake news kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng Overseas Absentee Voting

Hinikayat ng Comelec ang publiko na ireport sa kanila ang mga masasagap nilang mga pekeng balita lalo na ngayong nagsimula na ang overseas absentee voting.

Tiniyak din ng Comelec na agad nilang bibigyan ng linaw ang mga kakalat na fake news para hindi na magdulot pa ng kalituhan sa publiko.

Magugunitang Noong 2016, lumutang sa mga unang araw pa lang ng Oversease Absentee Voting ang mga pekeng balita na nagsasabing tapos na ang botohan at bilingan kaya may nanalo.


May lumutang ding fake news hinggil sa hindi raw tamang pagbasa ng Vote Counting Machine o VCM sa tunay na ibinoto ng ilang botante. Hinikayat ng Comelec ang publiko na ireport sa kanila ang mga masasagap nilang mga pekeng balita lalo na ngayong nagsimula na ang overseas absentee voting.

Facebook Comments