Zsa Zsa Padilla, nabuking kasal na siya sa umano’y sa isang hapon

804

Inamin ng singer na si Zsa Zsa Padilla na nagkaroon ng balakid sa kasal nila ng fiance niyang si Conrad Onglao.

Say ng singer, napawalang-bisa na ang kasal niya sa una niyang asawa kaya ikinagulat nilang ng madiskubreng may record na ikinasal siya sa isang hapon na hindi niya naman kilala.


Kukuha raw kasi sana siya ng Certificate of No Marriage Record pero lumabas sa record na ikinasal na siya sa isang hapon noong 1992.

Dahil dito, sinubukan raw nilang i-trace ang lalaki online, pero nabigo sila.

Nagpatulong na rin raw sila sa DFA pero nabigo pa rin sila dahil pribadong tao raw ang nasabing hapon.

Sa kabila nito, nagpapasalamat raw siya dahil matapos ang mahigit isang taong pagpapawalang-bisa sa umano’ kasal ay naging maayos na ang lahat kaya matutuloy na raw ang kasal nila ni Onglao.

Facebook Comments

From Advertisers