Manila, Philippines – Aabot sa 1.1 milyong balota kada araw ang naiimprinta ng National Printing Office (NPO) para magamit sa 2019 midterm election.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, umabot na sa 11,346,352 o 17.82 porysento ng mga balota ang naimprinta para sa Mayo.
Aniya, nasa 63,662,481 na mga balota ang kakailangain sa buong bansa.
Giit naman ni Jimenez, target nilang matapos ang pag-iimprinta ng lahat ng mga balota sa April 25, 2019.
Nabatid na una nang natapos na maimprenta ang mga balota para sa overseas voting at sa mga prayoridad na mga lugar gaya ng ARMM, Region 12 at 13.
Facebook Comments