Mayor Sara Duterte, itinangging ginagamit niya ang eleksyon para paghandaan ang 2022 presidential elections

Manila, Philippines – Itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ginagamit niya ang elections period para paghandaan ang pagtakbo niya sa pagkapangulo sa 2022.

Giit ng alkalde, masyado pang maaga para paghandaan ang naturang halalan at ang magandang timing para pagdesisyunan ito ay sa 2021 pa.

Paglilinaw pa ni Sara, tinutulungan lang niya ang mga senatorial candidates na pinili niyang manalo sa may elections.


Mababatid na lagi kasing kasama si Mayor Sara sa mga sorties ng mga pambato ng Partidong Hugpong ng Pagbabago kung saan siya ang namumuno.

Facebook Comments