COMELEC, nakapagtala na ng higit isang milyong new registrants

42

Malayo pa sa target na 4 milyong bagong registrants ang kabuuang nag-parehistro.

Ito ang iginiit Commissioner Rowena Guanzon matapos umabot lamang sa 1,117,528 pa ang nagpaparehistro hanggang noong Enero 14, 2021.


Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang ilang kabataan at Pilipinong hindi pa rehistrado na pumunta na sa COMELEC Office sa kanilang munisipalidad upang magparehistro.

Magsuot lamang aniya ng face mask at face shield at magdala ng sariling ballpen upang maiwasan pagkalat ng COVID-19.

Bukas hanggang Setyembre 2021 ang nasabing aplikasyon.

Facebook Comments