Comelec, nakapagtala ng 100,000 downloads para sa kanilang mobile registration app

Higit 100,000 indibidwal ang nakapag-download na ng Mobile Registration Form App ng Commission on Elections (Comelec) ilang araw matapos itong ilunsad.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, magandang ang datos at mahalagang makita ito.

Pero sinabi niya na hindi pa nila ikinokonsidera ang mga naturang indibidwal na agad na magpaparehistro.


Prayoridad ng app ang 575 cities at municipalities sa bansa na itinuturing na pilot areas.

Maaaring ma-download ang app sa pamamagitan ng SHAREit at Bluetooth.

Ang app ay maaaring gamitin offline.

Samantala, paalala ni Jimenez sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto sa nalalapit na halalan, gaano pa man kalaki ang halagang ibibigay sa kanila dahil garantiyang malaki ang ibabayad ng mga tao kapag sila na ang nakaupo sa kapangyarihan.

Aminado rin ang Comelec na hindi nila mapipigilan ng buo ang vote buying lalo na kung ang bayaran ay digital na rin.

Facebook Comments