Wednesday, November 11, 2026

COMELEC, nakapagtala ng higit 30-K na aplikasyon para sa maging registered voter sa 2028 election

COURTESY: COMELEC/Facebook

Umabot ng 36,124 ang naitalang bilang ng mga indibidwal na nagpasa ng aplikasyon sa Commission on Elections (COMELEC) para maging rehistradong botante para sa 2028 National and Local Elections.

Sa datos na ibinahagi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, dinagsa ng mga aplikante na nais makaboto ang unang araw ng voters registration at ang pinakamaraming o pinakamataas na bilang ay mula sa CALABARZON na umabot sa 8,161 ang bilang.

Sumunod dito ang NCR na nasa 6,741, Central Luzon na may 4,456 na aplikante at Region 7 na nakapagtala ng 2,132.

Samantala, mahigit 300 aplikasyon din naproseso ng COMELEC sa isinagawang Special Registration Anytime Anywhere Program ng COMELEC kung saan karamihan ay mga estudyante.

Muling hinihikayat ng COMELEC ang mga kwalipikadong indibidwla na samantalahin ang pagkakataon na makapagparehistro at huwag na sanang hintayin pa ang deadline na July 30, 2027.

Facebook Comments