COMELEC, nakatakdang mag-imprinta ng 1.6 million na karagdagang balota para sa BSK Elections

Nakatakdang simulan ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na buwan ang pag-imprenta ng 1.6 milyong karagdagang balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

 

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang mga balota ay iimprenta sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

 

Aniya, ang mga balota ay kumakatawan sa mga karagdagang regsitered voter mula sa registration period noong December 12 hanggang January 31.


 

Naimprenta na ng COMELEC ang 90,613,426 na opisyal na balota para sa botohan sa mga BSKE noong Marso.

 

Sinabi ni Garcia na naghahanda na rin ang ahensya para sa pagsasanay ng mga guro na magsisilbing miyembro ng electoral boards (EBs).

 

Ang nasabing pagsasanay ng mga guro ay gaganapin ngayong buwan ng Agosto.

 

Dagdag pa ni Garcia, nagsimula na silang mag-impake ng mga election paraphernalia na inihahanda na para sa naturang deployment.

Facebook Comments