COMELEC, nakatanggap na ng mga petisyon kontra sa mga nuisance candidate

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nasa 16 petisyon ang inihain sa kanila laban sa mga nuisance candidate.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, pawang mga aspirante sa lokal na posisyon sa 2025 midterm elections ang pinetisyon ng ilang mga kalaban ng mga ito sa politika.

Gayunpaman, pag-aaralan pa rin ng COMELEC ang bawat petisyon na ipinasa kung saan wala pa naman nagpapasa ng petisyon sa national level.


Giit ni Garcia, maaari naman kasing magdeklara ang COMELEC ng isang nuisance candidate sa national level kahit pa walang magpetisyon dito.

Ngayong araw, inaasahan ng COMELEC na maraming magpapasa ng petisyon kontra sa mga aspirante na naghain ng certificate of candidacy (COC) lalo na’t ito ang huling araw na itinakda at hindi na palalawigin pa.

Facebook Comments