COMELEC, nakikiusap sa susunod na Kongreso na magpasa na ng batas upang ma-exempt sa buwis ang matatanggap na honoraria ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon

Umaapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na Kongreso na magpasa ng batas upang hindi na buwisan pa ang natatanggap na honoraria ng mga guro na nagsisilbi sa araw ng eleksyon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na kaisa sila ng mga guro sa apelang ito.

Ani Garcia, dalawang beses na silang sumulat sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang makiusap na kung maaari ay huwag nang buwisan ang honaria ng mga guro, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na sagot.


Aniya kailangang magkaroon ng batas para dito at sana ay maikonsidera ito ng susunod na Kongreso.

Matatandaang makailang beses nang umapela o nanawagan ang mga guro na i-exempt na sa tax ang kanilang honoria mula sa pagiging election board.

Facebook Comments