Mga kandidato na kumpirmadong dadalo sa panel interview ng COMELEC, dalawa pa lamang

Dalawang kandidato pa lamang ang kumpirmadong dadalo sa presidential at vice presidential panel interviews ng Commission on Elections (COMELEC) sa ngayon.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, hindi muna isasapubliko ang pangalan ng dalawang kandidato.

Tiniyak din ni Garcia na tuloy pa rin aniya ang panel interview kahit pa kaunti lamang ang lumahok dito.


Gaganapin ang COMELEC panel interview sa May 2 hanggang 6.

Samantala, sinabi naman ng COMELEC hindi pa sila nakakatanggap ng paliwanag mula sa Impact Hub kaugnay sa naantalang town hall debates ng presidential at vice presidential candidates na dapat ay gaganapin noong Abril 23 at 24.

Facebook Comments