COMELEC, nananawagan sa mga mambabatas na aksyunan na ang mga panukala ukol sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections

156

Manila, Philippines – Nananawagan ang Commission on Elections sa mga mambabatas na aksyunan na sa susunod na buwan ang mga panukala tungkol sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Paliwanag ni COMELEC Chairman Andres Bautista, ipapatupad lang naman nila kung anumang batas ang maipapasa kaugnay ng panukalang botohan sa Oktubre.

Sinabi pa ni Bautista na susundin nila kung anuman ang magiging desisyon ng mga mambabatas pero sana lang ay mailabas na ito agad.


Sa ganitong paraan aniya, wala ng masasayang pondo ng bayan para sa mga paghahanda sa halalan.

Sa ngayon kasi ay may isang panukala sa senado na gustong ipagpaliban ng October 2018 ang botohan, habang ang panukala naman sa kamara ay iurong ito ng may 2020.

Una nang sinabi ni bautista na kung ito man ay ipagpapaliban, hindi dapat ito itakda sa petsa malapit sa may 2019 midterm elections.



Facebook Comments