Palasyo, tikom pa din ang bibig hinggil sa pagtakas ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon sa Marawi City

197

Marawi City – Wala pa ring maibigay na pahayag ang palasyo hinggil sa pagtakas sa Marawi City ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang beripikasyon ng Armed Forces of the Philippines kung totoo ngang nakatakas sa marawi ang most wanted terrorist sa bansa.

Dagdag pa ni Abella, maituturing na duwag si Hapilon kung totoong tumakas ito at iniwan ang kanyang mga kasamahan sa pakikipaglaban sa marawi.


Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Hapilon ay itinalaga ng ISIS na Emir sa Southeast Asia.

Facebook Comments