Kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng kandidatura para 2022 national election, muling nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa ng kandidato na huwag sumali o magsagawa ng early campaigning.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, anumang klaseng pangangampanya na isasagawa ngayon ay maituturing na premature campaigning.
Sa kabila nito, inamin ni Jimenez na posible nang magsimula sa pangangampanya ang ilang naghain ng kandidatura dahil wala nang batas na nagbabawal dito.
Nabatid na nakatakdang magsimula ang campaign period sa Pebrero 8 hanggang May 7, 2022.
Samantala, nagbabala rin ang ahensya sa mga politikong hahakot flying voters sa darating na eleksyon.
Pagdidiin ni COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon, malinaw na ito ay isang uri ng pandaraya at iginiit na hindi nila ito pahihintulutan.