Paglikha ng MRT-4, magbibigay ng trabaho sa 73,000 Pilipino

Aabot sa 73,000 trabaho ang malilikha ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT-4) na nakatakdang simulan ang konstruksiyon sa unang quarter ng 2024.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, nagsimula ang mobilisasyon ng P58.9-million project matapos ang notice of award noong September 17, 2021.

Pinondohan ang proyekto ng official development assistance mula sa Asian Development Bank.


Nakatakda naman ang trial ng MRT-4 sa ikatlong quarter ng 2027 na mag-uumpisa sa N. Domingo sa San Juan City hanggang sa Taytay.

Facebook Comments