Natanggap na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 40,000 Local Absentee Voting (LAV) ballots.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ang mga ito ay dinala muna sa tanggapan ng Bureau of Treasury na nasa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila para sabay-sabay na bibilangin sa gabi ng Mayo 9.
Aniya, 84,357 ang pinayagan nilang makaboto sa LAV noong April 27 hanggang 29, 2022.
Pero nabawasan ito ng 9,341 indibidwal dahil hindi sila rehistrado o deactivated.
Ang mga bumoto sa ilalim ng LAV ay ang mga may duty o magsisilbi sa araw ng halalan.
Facebook Comments