Mga unibersidad na ginamit sa nakalipas na Bar exam, binigyan ng historical marker ng Korte Suprema

49

Sinimulan na ng Korte Suprema ang paggawad ng historical marker sa mga unibersidad at iba pang institusyon na nagsilbing local testing sites sa kauna-unahang localized at digitalized Bar examinations sa bansa.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice at Bar Chair Marvic Leonen, pupuntahan nila ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga local testing centers kung saan idinaos ang 2020/2021 Bar Exams para sa awarding ng historical marker.

29 ang local testing sites mula sa 22 Local Government Units (LGUs) ang nakatuwang ng SC sa makasaysayang computerized at regionalized Bar exams.


Una nang ginawaran ng SC ng historical marker ang St. Louis University sa Baguio City.

Facebook Comments