Comelec, nilinaw na ‘di maaapektuhan ang kandidatura ng isang pulitiko kahit kabilang ito sa narco-list

Manila, Philippines – Hindi makakaapekto sa kandidatura ng isang pulitiko ang pagkakasama niya sa narco-list.

Ito ang paglilinaw ng Commission on Elections (Comelec) matapos isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang higit 40 pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Pero sinabi ni Spokesperson James Jimenez – makakaapekto ito sa desisyon ng mga botante.


Giit pa ni Jimenez – maaari lamang madiskwalipika ang isang kandidato kung mayroong final conviction.

Ibig sabihin, mangyayari lamang ang disqualification kung ang lahat ng proseso, hanggang sa Korte Suprema ay natapos.

Facebook Comments