PRRD, hindi nakadalo sa 2 event dahil sa migraine

56

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang event sa kanyang hometown sa Davao City kahapon.

Papangunahan sana ng Pangulo ang ceremonial distribution ng Certificates of Land Ownership (CLOA) sa University of Mindanao pero ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang sumalo.

Pupuntahan din sana ng Pangulo ang People’s Political Grand Rally sa Crocodile Park Grounds para suportahan ang mga pambato niya sa Senado.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Bong Go – nagkaroon ng migraine ang Pangulo pero wala namang dapat ikabahala.

Nakatakdang maglabas ang Palasyo ng opisyal na pahayag hinggil dito.

Facebook Comments